Ang Aking Journey

August 31, 2018

Nakarating na ba ako don sa distensyon kong gustong puntahan? Ano ba ang gusto kong marating? Kaya ko bang gawin yung mga bagay na dapat kong gawin para makapunta sa destination ko? Or I am playing it safe?

Sa totoo lang nasa journey pa lang ako. Wala pa ako don sa talagang gusto kong marating. Napakalayo ko pa nga actually, and dami ko pang kailangang pag daanan at mga pag subok na kakaharapin. Dapat ba akong matakot sa mga pagsubok na yon? Dapat ba akong madismaya kung ang mga bagay bagay ay di umaayon sa kung anong gusto ko? Hindi. Sabi nga ng Panginoon, sa Isaiah 41:10

Fear not, for I am with you;Be not dismayed, for I am your God.
I will strengthen you,
Yes, I will help you,
I will uphold you with My righteous right hand.’

Iienjoy ko lang ang journey na ito, para pag dating ko sa destination ko, at magbabalik tanaw ako sa mga nakaraan, masasabi kong ang buhay ko ay nagamit ko sa mabuti at nagbigay puri sa lumikha sa akin.

Oo minsan nakakagawa ako ng mali, may mga mali akong desisyon at nag sa suffer ako sa mga consequences, minsan di ko gusto yung mga nangyayari at disappointed ako sa resulta ng ginawa kong decisions. Pero sa kabila ng mga mali, natututunan ko kung ano yung tama, sa kabila ng pagkabigo, natututunan kong bumangon muli at lumaban at mas magtiwala sa Panginoon na kahit kailan man di Nya ako iiwan at pababayaan. May magaganda syang plano para sa akin, para sa bawat isa. Sabi naman ang Panginoon dinidisiplina at itinatama ang mga mahal Nya. Tulad ng isang magulang na itinatama ang kanyang anak.

Masaya ako sa buhay na binigay sa akin ng Dyos. Masaya ako sa bawat araw na nakikita ko ang kabutihan Nya at mga pag papala Nya. At sa bawat araw na ako’y gumigising, masasabi kong this is a wonderful journey. It’s a journey of a lifetime. Minsan lang ako dadaan sa buhay na ito.

Katulad ko, ikaw ay naglalakbay din sa buhay na ito. Di ka nag iisa kaibigan. Pag pinanghihinaan ka ng loob napapagod, nananawa, naooverwhelm ng problema, isipin mong may MALAKING DYOS na di ka pababayaan. Napakamakapangyarihan ng Dyos para di ka Nya matulungan. Kailangan mo lang talang lumapit sa Kanya at magpakumbaba, di natin talaga kaya pag wala Sya. Mahina tayo, pero Sya malakas.  Limitado ang ating kaisipan at mga pang-unawa pero Sya, unlimited ang wisdom Nya. At ang good news, mahal na mahal Nya tayo, kaya nga binigay Nya yung isang bugtong Nyang anak para maligtas tayo at mag karaon ng kapatawaran ang ating mga kasalanan. Isn’t amazing, that the God who created everything, cares about us?

Kasama natin ang Dyos, that’s why it’s a wonderful journey. God bless you and don’t forget Jesus loves you.

Tips Pa’no Makabayad ng Utang (Based on Personal Experience)

Aug. 9, 2018

Bago ako umalis ng Pinas, ang dami kong utang, mostly credit card debts. Sobra ko kasing naenjoy mag swipe without balancing out my cash flow. Mas marami na pala akong nagagastos, kesa naipapasok sa bank account ko. Di talaga maganda yung kang maraming credit cards.

 

bank blur business buy
Photo by Pixabay on Pexels.com

Apat and cards ko non, HSBC, Metrobank, CitiBank At Union Bank. Palipat lipat, balance transfer don, balance transfer dito. Actually, mas mahal pa nga yung bayad sa interest kesa don sa mismong pinamili ko. Siguro yung mga nakakakilala sa akin, mag tataka, kung pano at bakit nangyari sa akin… Nakakatukso talagang mag shopping pag may card ka, kasi alam mong may kukunan ka ng pera, madali mong nabibili ang gusto mo kahit di mo naman kailangan. Believe it or not, umabot sa almost three hundred fifty thousand yung utang ko before I left Philippines. Kaya nga din ako nag decide mag ibang bansa.

Di na ko masayang magtrabaho non kasi parang yung sahod ko kulang pa pangbayad ng utang ko, aside from poor decisions at lack of financial knowledge, wala rin akong self control, kung anong maisipan, magustuhan bili agad. And from that experience, marami akong natutunan. And I want to share yung mga life lessons at yung ginawa ko kung paano ko nakabayad ng utang. Tama ang sabi sa proverbs 22:7

Proverbs 22:7
New International Version
The rich rule over the poor, and the borrower is slave to the lender.

7 TIPS on Kung Pano Makabayad ng Utang

Have the Intention to Pay

Intention ko talagang bayaran yung mga utang ko, ayaw kong darating ako sa puntong tuwing mag riring yung telepono ay kakabahan ako, mag sisinungaling or mag tatago. Good thing, di ako umabot ng ganon kasi I see to it na kahit minimum lang ay mabayaran ko. Kaya lang kung minimum lang yung babayaran mo, lalaki yun dahil sa interest, kaya mas advisable talaga, na kung magkano yung amount due babayaran mo ng buo.

Having the intention to pay ay galing sa puso. Kung intention mong di magbayad at tumakas sa utang di kagagawa ng paraan para makabayad.

Have SMART Goal

I set a goal that In three years, I’ll be debt free. Kailangan ang Goal daw natin ay S.M.A.R.T. Specific, Measurable, Attainable, Realistic and Time bound. Sinabi ko sa sarili ko na dapat with in Three years, dapat wala na akong utang. Syempre pag may goal ka, dapat may action ka. Di mo marireach yung goal mo or destination mo kung di ka kikilos. Walang gagawa nyan para sa’yo.

MY ACTION PLAN

Increase Cash Flow

The main reason kung bakit ako nag abroad is yung intention ko na makabayad ng utang. Dahil kailangan kong makabayad ng utang, humanap ako ng paraan kung paano madadagdagan ang akin income. Kasi yung sahod ko di na kasya to pay the bills kulang pa. So nung nakakita ako ng opportunity na maka abroad at kumita ng mas malaki, I grabbed the opportunity. Pero kung may way na mapag kikitaan na mas malaki sa Pinas, mas masarap pa ring tumira sa sarili mong bayan. Narealize ko na ang options mo ay dipende sa dami ng pera mo. Pag mas marami kang pera, mas marami kang option.

Money is neither good nor bad. Money is just a tool. Naka depende pa rin yun sa taong gumagamit. Kadalasan kong naririnig may na ku quote na “money is the root of all evil daw” but it’s not money actually, it’s the love of money is the root of all evil. Kung ang pera ay ginagamit natin to support life, then it’s good. Kung ang pera ay ginagamit natin to destroy life, when we value the things than we value people.

1 Timothy 6:10 New King James Version (NKJV)
10 For the love of money is a root of all kinds of evil, for which some have strayed from the faith in their greediness, and pierced themselves through with many sorrows.

Identify Needs VS Wants

Isa sa mga tips ni Chinkee Tan is to identify the needs vs wants. Kasi there are things that we can live without and there are things that we cannot live without. Yung basic needs such as clothing, shelter, food. Tulad ng pag kain, need natin ng pagkain talaga, but we have choice kung mag gugrocery tayo and we will cook our food at home, or kakain tayo sa mamahaling restaurant. Syempre pag nag babayad ng utang, wag muna ang luho. Kakahiya naman din kasi kung may guts ka pa nakumain sa mamahaling restaurant tapos makita ka ng pinag kakautangan mo na di mo pa nababayaran.

Practice Self Control

Kailangan ng self-control talaga. Kasi paglaki ng income, pag laki rin ng gastos, may mga maiisip kang bilin or mag increase ng life style, minsan nawawala na or nakakalimutan mo na about your goal. Kaya lang in my case, di ko pwedeng basta basta na lang gastusin yung pera ko, di tulad ng dati. Dito sa experience na ito, dito ko natutunan, nahasa ang self control. Ang hirap sobra but it’s worth it.

Increase your Knowledge

Palagi kong naririnig to sa mga life coach is to “Invest in education. Do you think education is expensive? Then try ignorance.” Di lang pera ang puhunan kung gusto mong matuto talaga, bukod sa pera, kailangan mo rin ng oras, effort at kagustuhang matuto. Sabi sa Hosea 4:6  “my people are destroyed from lack of knowledge.”

Dahil alam ko lang ay kumita ng pera, di ko alam kung pano ipunin at palaguin yung pera ko, at nadala ako ng kagustuhan kong mabili ang mga bagay na akala ko mag-aadd ng value sa akin, di pala. Kaya yon, natutunan ko yung lessons ko sa mahirap na paraan. Tumatak yon sa isipan ko, kaya naiishare ko ngayon. Ramdam ko yung mga taong nagigipit ngayon.

Sa loob ng tatlong taon, nakabayad na rin ako ng utang. Nakapagsimula na ulit akong makabangon. Ang sarap sa pakiramdam. Akala ko wala ng katapusan yung pag babayad ko. Bakit kaya pag andon ka sa sitwasyong mahirap, parang ang tagal lumipas ng panahon, pero pag nasa sitwasyon ka namang masaya ka, parang di mo na mamalayan, ang bilis lang lumipas ng mga oras. Don ko na pag tanto ang mga bagay bagay. Maraming relasyon ang nasira dahil sa pera, sa mga materyal na bagay, pero kung titingnan mo ang smoky mountain, lahat ng pinag-awayan, kinasira ng relasyon, andon na walang halaga, at sira sira na.

Be Consistent

Kahit gaano pa kalaki o kaliit yan, ibayad mo pa rin, at least kahit maliit ay may nababawas. Malaki ang bayad sa interest, kaya dapat kahit anong amount ay ibigay mo pa rin. At sa pagiging consistent, don mo rin napapakita sa inutangan mo na yung credibility mo na di mo tatakasan ang utang mo. Maya maya lang, mamalayan mo na lang na wala ka na palang utang.

Wag kang mag-alala makakaraos ka rin dyan. “Everything worth while is up hill” sabi ni John Maxwell. Ang pag babayad ng utang is worth while. “Do the right thing even if it’s hard”

Hope may natutunan kayo from my experience. And I pray to the Lord to bless you and give you provisions. In Jesus name.

Nakaka-bore Bang Pag-Usapan si God?

May ibang tao pag si God na ang usapan parang na bu-bore na sila. Parang corny ang dating, yung tipong walang interest. Yung iba pilosopo pa. Actually di nakaka bore pag usapan si God. Nakakamangha nga Syang pag usapan actually, at kung pag aaralan mo yung salita Nya, kung kikilalanin mo lang talaga Sya, kung sino Sya at kung anong kaya Nyang gawin, you’ll stand in awe of Him.

Nabubore kang pag-usapan si God kasi may binubulong sa’yo , si satan, ayaw nya kasing malaman mo yung tungkol kay God, gusto kang iligaw ni satan para di mo malaman yung tunay na daan. Pero alam mo, di mo sya dapat pinapakinggan. Dahil si satan gagawin nya talaga lahat ng paraan para ilihis ka sa katotohanan, para di mo makilala ang tunay na Dyos.

God is awesome and powerful. He spoke everything into existence. He’s all-knowing, He’s loving, He’s just and He’s a wonderful God. He’s not like other gods. He perform miracle and He protect those who loves him, actually He’s so cool. He rocks! Walang superlative  adjective na makakapag describe kung gano sya ka powerful, kung gano sya kagaling.

Want to know more about Him?

Read your BIBLE.

Talk to God

Listen to people’s testimony about how God change them

Talk to people who experience God

Surrender your Life To Him

Experience Him Daily

Desire to know God.

Read more about this blog

God is looking for you. He wants to have a relationship with you. Don’t hide yourself from Him. He loves you.

 

 

Iningatang Mawala, Nawala Pa Rin

August 9, 2018

May tinago akong susi, susi ng cash box. Tinago ko kasi mahalaga sa akin, ayaw ko syang mawala at the same time, ayaw ko naman syang makita palagi kasi baka mamaya magipit ako at biglang nag ka “Sale” sa tabi tabi, eh magamit ko yung pera na itinabi ko don. Well, sa tinagal tagal, dami ng nangyari, nag impake kami, nag lipat ng bahay, nag ayos ulit ng gamit, nawala na sa isip ko kung saan ko na itabi yung susi ng cash box ko. At ngayong kailangan ko na sya, di ko na sya makita. Hinalughog ko na ang pinakamasukal na parte ng bahay namin, pero wala talaga.

coins and bill beside coin case
Photo by Pixabay on Pexels.com

Yung kaya mo nga itinago para di mawala, pero sa tagal ng panahon nakalimutan mo kung saan mo itinago, kaya lalong nawala.

Then this scenario, reminds me of this verse…

For whoever wants to save their life will lose it, but whoever loses their life for me will find it. (Matthew 16:25 NIV)

I want to save it but now I lose it. Wala na talaga, di ko na makita. It’s such a waste of time. Nakakapanghinayang. Analogy sa buhay ko, kung puro sarili ko lang yung mamahalaga sa akin, itatago ko yung talent ko, yung time ko ipagdadamot ko sa ibang tao, mabubuhay akong nakakulong, yung buhay na sobrang nakatago sa comfort zone, I will lose my purpose. Pero kung gagamitin ko yung life ko in purpose, in a way how God designed me, for His glory and honor. Life is more fulfilled and satisfying when you live out your purpose. Yung life na di ka lang nag-exist, wala ka man lang nadala kay Jesus, puro kulong lang sa kwarto, iwas sa tao. Yung life na may purpose at pag nawala ka na, naaalala ka pa rin kasi may naiwan kang legacy. Di nasasayang. Not unlike the key that I hid, now its gone.

Ginawa ka ni Lord for a purpose, use it so you will not lose it. Wag mo sanang hayaan na mawala, kasi sayang.

Want to know your purpose?

The Lord said “Call unto Me, and I will answer you, and I will show you great and mighty things which you do not know” Jeremiah 33:3

Don’t End Your Life, May Pag Asa pa

August 7, 2018

Hanggang kailan mo kayang magmahal? Kaya mo pa ba kahit nasasaktan ka na? Kaya mo pa ba kahit wala na yung spark ng feelings? Kaya mo pa ba kahit puro na lang sakit? kaya mo ba kahit di ka pinapansin? Kaya mo pa ba kahit yung konti na lang na sa’yo, isusubo mo na lang ibibigay mo pa? Kaya mo bang ipag palit yung buhay mo para sa kanya? Anong klaseng tao ang kayang mag mahal ng ganito, nakaya nyang ibuwis yung sarili nyang buhay para maging maayos yung sa’yo? Anong klaseng pagmamahal yung tinalikuran ka na ng buong mundo, pero Sya hinahabol ka parin, sinusuyo ka pa rin? Anong klaseng pagmamahal yung kahit na anong gulo ng buhay mo, iniayos nya, binigyan ka nya ng panibagong pag-asa, simula at buhay… walang makakagawa non kundi si Jesus lang.

adventure cliff ocean outdoors
Photo by Pete Johnson on Pexels.com

 

Binigay Nya yung buhay Nya, para mag karon ka ng sa’yo, pinasan Nya ang kasalanan na hindi sa kanya, para magkaron ng kapatawaran ang mga kasalanan natin sa kanyang Ama. Hanggang sa huling sandali ng buhay Nya, ikaw yung nasa isipan Nya, tapos nabuhay Syang muli para ipakita sa’yo na kahit kamatayan kaya Nyang tawirin, kaya Nyang talunin, at kung kakapit ka lang sa kanya at patuloy kang maniniwala sa mga ginawa Nya, kaya mo ring mapag tagumpayan yung mundo, kaya kung brokenhearted ka ngayon, at gusto mo nang magpakamatay sa sobrang sakit, isipin mo, na Mahal na Mahal ka Nya, namatay sya para sa’yo, huwag mong wakasan ang buhay mo. Di huli ang lahat kahit na pinagpalit ka, o nasaktan ka, niloko ka, pinagmukha kang tanga ng isang tao na di alam ang yong halaga. Dahil kay Jesus, mahalaga ka sobra at mahal na mahal ka nya. Kaya tahan na, huwag ka ng lumuha pa, para sa taong nagpaiyak sa’yo. Dahil ang taong yon ay di talaga para sa’yo. May nakatakda pa ra sa’yo at kung wawakasan mo na ang buhay mo para lang don sa di karapatdapat na tao, mag isip ka ulit, dahil kung wawakasan mo na ang buhay na binigay sa’yo, paano mo makikilala ang taong nakalaan para sa’yo?

Kung feeling mo walang nag mamahal sa’yo, mahal ka ni Jesus at iyon ang totoo. Please lang, huwag mong wakasan ang buhay mo… bumangon ka at mag umpisa ulit. Humugot ka ng lakas sa Panginoon na nangako na di ka iiwan o pababayaan.

And for those who are thinking of committing suicide dahil sa nabigo sila sa pag-ibig, nawalan ng pag-asa, napagod ng lumaban, i pray for comfort and the intervention of the Holy Spirit for you, I pray that you find the love in Jesus at huwag nyang pahintulutan na matuloy ang plan nyo to commit suicide. There’s hope, peace, joy and serenity in the presence of the Lord. And you find Him in the midst of what you’re going through right now. Kaya nyo yan, malalagpasan nyo yan. In Jesus mighty name. AMEN!