Featured

Dito Sa American Samoa

Photo by Pastor Noni Que

Kasalukuyan akong naninirahan sa Pago Pago, American Samoa. Para sa mga di pa nakaka alam tungkol sa lugar na ito, ito ay isang maliit na isla na malapit sa Hawaii. Pago Pago ang spelling but they pronounce it as Pango Pango. US Territory, dollars ang currency. Pero di ito kasing laki ng Hawaii. Di pa rin ganong kasibilisado. Parang nasa probinsya lang. Marami ring mga Pinoy, Chinese, Korean, Vietnamese, Tongan, Fijian at Western Samoan dito.

Dumating ako dito noong October 18, 2011. Sa October 18, 2019, walong taon na ako dito, at di pa rin ako nakakapag bakasyon man lang sa Pilipinas. Ang dami ko nang namissed. Nakatapos na ng pag aaral ang tatlo kong kapatid, nag kapag asawa na ako, nag kaanak, nag asawa na rin yung pangatlo naming kapatid, marami ng birthdays, anniversaries, pasko, bagong taon na pinagdiriwang na hindi ko kasama ang aking mga magulang at mga kapatid.

Ang dami ko pang rason para di pa umuwi, una wala pa akong ipong pamasahe. May kalayuan kasi kaya may kamahalan ang pamasahe. Dati tatlo lang kaming uuwi ngayon, apat kaming mamamasahe. Di pa rin ako okay magpaalam ng ganong katagal sa work. Pero target naming mag asawa, umuwi sa susunod na taon, para makapag bakasyon, Makita ng mga magulang ko yung mga apo nila, maka bonding sila, mameet din nila ang napangasawa ko. Sana, kung ipag aadya ng Panginoon makauwi kaming pamilya na malakas pa ang mga magulang ko. Pinakaayaw kong scenario kung sakaling uuwi ako ay yung tipong may malubhang karamdaman na ang mga magulang ko at kailangan nang mamaalam. Ayon siguro yung pinakamasaklap.

Kahit medyo probinsya dito, medyo huli pag dating sa technology, mabagal ang internet, at ngayon pa lang nauuso ang caller ring tone na laos na laos na sa atin, maganda ring mamuhay dito. Payapa, tahimik, mababa ang crime rate, 25 miles per hour lang takbo ng mga sasakyan, at mababa ang cost of living.

 Anong gusto ko sa lugar na ito?

  1. Dito ko nakilala si Lord – I got saved by my Lord and Savior Jesus, September 30, 2012. May mga taong nagpakilala sa akin kung sino si Jesus nung nasa Pinas pa ako. Pero dito ko lang naunawaan kung bakit at naexperience ang kabutihan nya. Sobrang humbling nang new beginnings ko dito sa isla na ito.
  2. Payapa – Walang barilan, may konting nakawan pero di naman brutal. Pagkain yung karaniwang nawawala. Wag kang mag iiwan ng pag kain sa ref sa office kasi mawawala yan. Napakababa ng crime rate.
  3. Freedom – Dito, we have the freedom to worship. May ibang country bawal kang mag worship, bawal kang makitaan ng bible, o kahit sambitin mo lang ang pangalan ni Jesus bawal din. Pero dito malaya kang mag share ng gospel. Ang makakahinder lang siguro sa’yo ay ang sarili mong will.
  4. Mababa ang Cost of Living – Unlike other countries na di ka pwedeng umalis ng bahay ng wala kang dalang pera, dito pwede. Need a ride, just call a friend. Wala kang makain, lakad ka lang sa tabi tabi, daming puno ng saging, breadfruit, papaya, pwede kang mag tanim ng saluyot, kakong at kung anu-ano. Pag may occasions, may kainan. At di nawawalan ng kainan. Kaya marami dito na pag dating payat, after one week, pwede kang mag gain agad ng 5lbs.

Madami pa akong kwentong OFW. Kwento ng pakikipagsapalaran namin dito, kwento ng pakikipag kaibigan, kwentong may aral, kwento ng katapatan ng Dyos sa aming buhay. Kung Pinoy ka, at nasa ibang bansa ka rin, ano mang trabaho mo, alam ko mahirap mawalay sa pamilya. At bago matapos ang blog na ito, I’ll leave a simple prayer for you.

Lord, I pray for OFWs all over the world, may you bless them po. I pray Lord na i-comfort mo po sila during the times na namimiss nila yung pamilya nila, Lord I pray for all OFWs out there na nakikibaka, nakikipag sapalaran, iniwan ang family nila para mabigyan sila ng better future. Tulungan Nyo po sila, bigyan nyo po sila ng lakas, katatagan ng loob at katawan. Ingatan Nyo po sila at ang kanilang pamilya. I speak blessings upon them Lord, provisions, strength, guidance and protection. In Jesus name, amen.

Happy Thanksgiving!

November 27, 2019, Wednesday, in American Samoa

“Oh that men would give thanks to the Lord for His goodness, And for His wonderful works to the children of men”

Psalms 107:8

Napakabuti ng Panginoon. Sobrang buti nya sa atin kaya naman sa bawat araw na tayo ay nabubuhay dito sa mundo, bawat umaga na tayo ay nagigising, pasalamatan natin Sya at purihin sa mga ginagawa Nya. Pero minsan pag nasa time ka ng pag subok at kaguluhan sa buhay, parang ang hirap magpasalamat, minsan parang sa halip na pasasalamat at papuri ang nasasambit natin ay panaghoy, reklamo, buntong hininga, o minsan luha na lang na kusang dumadaloy sa ating mga pisngi sa sobrang hirap ng pinag daraanan.

Pero kahit na mahirap ang buhay, kahit na minsan mabigat ang ating mga dinadala, pag nag simula tayong mag sambit ng pasasalamat at papuri sa ating Dyos na buhay, napapansin mo ba na gumagaan ang ating pasanin, umaaliwalas ang ating mga mukha, at may spark ng pag asa sa ating mga mata na nag bibigay sa atin ng kalakasan na bumangon muli at tumayo mula sa pagkakalugmok at pagkakadapa?

Minsan nagpi fail tayong makita yung mga bagay na dapat nating ipagpasalamat dahil di natin gusto yung sitwasyon natin o season natin ngayon. Paano bang magpasalamat kung baon ka sa utang, paano ba magpasalamat kung ikaw ay nanakawan o namatayan. Paano ba magpasalamat pag ikaw ay iniwan o pinag palit? Nasaan ba ang kabutihan ng Panginoon sa mga ganong season ng buhay? Paano ba mag pasalamat kung ikaw ay nawalan ng trabaho, nasa abroad malayo sa pamilya at nag kakaron ng problema pero wala kang magawa dahil ikaw ay malayo? Paano ba mag pasalamat sa mabibigat na sitwasyon? Lagi mong tatandaan na mabuti ang Dyos, kung may nararanasan ka man na kabigatan ngayon o pagsubok di yan ang final destination mo. Dumaraan ka lang dyan para maging matatag ka, marahil ay may itinuturo ang Panginoon sa’yo. Marahil ang pinagdaraanan mo ay prerequisite para sa success mo in the future. Kung ano man ang pinag daraanan mo, may plan si Lord para sa’yo at nakatadhanang mangyari yan dahil sabi sa 1 Thessalonians 5:18 “In everything give thanks; for this is the will of God in Christ Jesus for you. Marahil kaya kayo nag break kasi di sya ang itinadhana para sa’yo. Di pa sinasagot ng Dyos ang panalangin mo kasi tinuturuan ka nyang maghintay, or may mas maganda syang plano para sa’yo.

Lahat tayo ay makakaranas at makakaranas ng pag subok, kabiguan sa buhay, pag luluksa, pag hihirap. Wala tayong ligtas dyan. Kahit 24/7 ka pa sa church. Pero ang mahalaga ay kung paano natin haharapin ang mga pag subok ng buhay ng may ngiti sa ating mga labi, kislap ng pag asa sa mata at katatagan ng loob, knowing that the Lord will never leave us nor forsake us.

Napakabuti ng Panginoon sa akin. Although maraming times na nagkakamali ako, pumapalpak, napapahiya, nadarapa, gumugulong sa putikan, nagkakasala, paulit ulit pa rin Nya akong pinapadawad. I don’t deserve anything, but then He gave me hope. I deserve to go to hell, to internal punishment but then He made a way for you and me, through His son Jesus. Naging available ang salvation for us dahil sa ginawa ni Jesus sa cross. And we can be saved from going to hell by admitting that we are sinners, turning away from our old ways and believe in Jesus and build a personal relationship with Him.

Kung ngayon ay nasa gitna ka ng unos ng buhay, feeling mo nag iisa ka kasi iniwan ka o pinagpalit ka, kung ikaw ay nawawalan na nag pag asa dahil lahat ng plano mo ay palpak, kung ikaw ay dumaraan sa matinding kahirapan o karamdaman at pag subok na sa tingin mo ay di mo kayang lagpasan, tatandaan mo kapatid, na sa laban ng buhay di ka nag iisa, nandyan ang Dyos na makakapitan natin at matatawagan. Mahal ka Nya at di ka Nya pababayaan. Panalangin ko para sa’yo ay mag karon ka ng kapanatagan ng isipan, pusong nagtitiwala sa pangako ng Dyos na di ka iiwan, mga matang nakakakita ng kabutihan ng Dyos at labi na di nagsasawang magpasalamat, manalangin at magpuri kahit sa gitna ng pagsubok na ‘yong nararanasan. At kung ikaw ay nagtatanong kung totoong may Dyos, at napakarami mong katanungan at naghahanap ka ng kasagutan? Nawa ay mahanap mo Sya at masumpungan.

Michaela Grace

Ang tagal naming hinintay na mag karon ng kapatid si Ezekiel. Kaya naman noong nag buntis ako sa second baby namin ay tuwang tuwa ako. It’s an answered prayer from the Lord. Ni hindi ko rin inaasahan yung way nag pag ka panganak ko sa kanya.

Naaalala ko pa noong mga panahon na ipinag darasal ko pa lang sa Panginoon na kung bibigyan Nya ako ng pag kakataon na mag karon pa ng anak, gusto ko sana ay babae, at papangalanan ko syang Michaela Grace.

At tinugon nga ni Lord ang prayer ko, nung mag positive ang PT ko nung October 2018. Kaya lang noong nag pa ultrasound ako, sabi ng Dr. most probably the baby is a boy. Kung boy, sabi ko papangalanan ko na lang na Elijah. Kung di will ni Lord na babae ang anak ko, mas alam ni Lord ang plan Nya sa baby.

Naging mahirap ang pag lilihi ko at pag bugbuntis. And on my 34th weeks, sa di inaasahang pag kakataon, kumain kami ni Ezekiel sa labas, may nakain akong di maganda. Nag diarrhea ako at nag suka. Pag gising ko na lang mapait na ang panglasa ko. At nasusuka ako. But not unlike my usual morning sickness, iba itong isa na ito. Masama ang pakiramdam ko, pero pinilit kong pumasok sa work. Inihatid ko si Ezekiel sa paalagaan at dumiretso na ako sa trabaho.

Nagsusuka pa rin ako at pang limang beses ko nang nag babawas, parang nanghihina na ako, at iba na ang sakit ng tyan ko. Parang di na diarrhea ito. More on labor pain na. Nag paalam ako sa mga katrabaho na pupunta ako ng hospital.

Nag lakas loob akong mag drive, wala naman akong aasahan. Ako lang. Si Mr. nasa laot pa. Di pa sya tumatawag. Di ko alam kung kelan sya makakauwi. May 14, 2019 noon. Monday, at 10 in the morning nung pumunta ako sa hospital. Medyo gloomy ang araw na ito.

Habang nag da drive nakaramdam ako ng pangangalat ng bagang at parang nasusuka ako, so pumarada muna ako sa isa sa mga bus stop. At di pa ako nakakalabas ng sasakyan ay nag suka na ako ng nag suka. May 5 minutes din akong nakahinto, kasi di ko alam kung kelan ulit ako susumpungin. Nang mahulas hulasan ako, nagdasal ako kay Lord na tulungan nya akong makaabot sa hospital at makahanap nawa ako ng parking space agad.

Sa awa ni Lord, may bakanteng space sa hospital parking lot. Umuulan pa ng mga time na yon. Dinala ko ang payong at kinuha ko ang hospital bag ko sa likod ng SUV na minamaneho ko. Buti na lang nakapag handa ako 2 weeks ago. Kinakausap ko si baby, di pa sya pwedeng lumabas. Kasi 34 weeks pa lang sya. At saka wala pa si Papa nya.

Dumiretso ako sa ER. Grabe, puno ng tao. Nahihilo ako, sumasakit yung tyan ko, bumibilok. Di ko alam kung sinong lalapitan ko. Nag bayad ako ng consultation at sinubukan kong mag hintay sa normal na pila, pero di ko na matiis ang sakit, parang dumadalas na ang sakit at pag bilok. Naupo ako sa bench, sinubukang pakalmahin ang sarili ko. Pero naisip ko kung mag hihintay ako sa haba ng pila at bagal ng serbisyo, baka manganib kami ng anak ko. Di na ako nag dalawang isip. Kahit di pa nila tinatawag ang pangalan ko, ay pumasok na ako sa loob. Nag hagilap ako ng nurse na pwedeng makatulong sa akin.

Sa awa ni Lord, may nurse agad na nakapansin. Sinabi ko na 34weeks pregnant ako at nakakaranas na ako ng labor pain. Agad nila akong iniupo sa wheel chair at dinala sa labor and delivery. Tinimbang nila ako, at pinalitan ng hospital gown. Agad nilang minonitor ang heartbeat at movement ni baby.

Agad nila akong sinaksakan ng dextrose kasi dehydrated na raw ako. Some sort of food poisoning daw ang nangyari at contaminated daw ang nakain ko. Sinaksakan nila ako ng pampatigil ng paghilab para di agad lumabas si baby. Ang dami nilang kinuhang sample ng dugo sa akin, parang tatlong syringes ata yon. Under observation kami ni baby for 24 hours. Tinawagan ko si tiya, para inform sya na nasa hospital ako at kung pwede na doon muna sa kanila si Ezekiel.

Nakita ako ni Dr. Mili sa L and D department, kaya agad nyang nasabi kay Dr. Chryston Aguillera ang kalagayan ko. Si Dr. Aguillera ay isang kaibigan ko na kasama ko sa ministry. Agad nya naman akong pinuntahan, ipinag pray at ininform ang church to pray for me and Elijah.

Dinalaw din ako nila Ninang Myrin at Ronnie noong hapon. Parang ang haba ng oras sa hospital. Nakakainip yung nakahiga lang ako. Iniadmit na ako noong hapon. Kung ano mang posibleng mangyari ay pinag pasa Dyos ko na lamang.

Halos di rin ako gaanong nakatulog kasi gutom ako, tapos parati nila akong ginigising para kunan ng dugo, i-check ang temperature. Kinabukasan, di pa rin nila ako pinakain. Nag palitan na ng doctor.

Nawala na ang pag hilab ng tyan ko, nawala na ang contraction pero may napansin sila Dr. Efren sa heartbeat ng baby. Parang bumabagal ang tibok ng puso nya at parang di rin gaanong gumagalaw. Kaya nag decide si Dr. Efren na iCS na ako.

Ang bilis ng mga pangyayari. Dinalaw ulit ako ni Dr. Chrys, nag briefing sya sa kung anong procedure at kung anong posibleng mangyari, pinag pray nya din ako bago ako isabak sa operating room.

Kinamaya mayaan, dumating na yung nurse, inihanda na nya ako sa operation, inilipat na nila ako ng kama at dinala na nila ako sa operating room. Tinurukan ako ng anesthesia sa likod, namanhid na ako kalahati ng katawan ko at di ko na namalayan na hiniwa na nila ako. Ganoon pa la iyon, di ka makahinga ng maayos, parang may nakadagan sa dibdib mo. Then nuong lumabas si Baby, sabi nila “it’s a girl”. Nagulat ako.

Indeed the Lord answered my prayer. I heard her cry. Sayang, wala si Mr. para masaksihan ang pag labas ni Michaela Grace. But God gave me such favor na lahat ng staff na nag paanak at nag asikaso sa akin ay Pinoy. Dahil ibang mag alaga ang pinoy, iba pag kapwa mo Pilipino. At bihira yung from nurse, to anesthesiologist, to the doctors na nag paanak sa akin.

Pero ang nakaka amaze doon, ay yung peace na nasa puso ko. Napaka peaceful ng tanghali na yon, na parang wala akong inaalala kahit na wala akong pera, kahit na wala ang asawa ko at alam kong walang mag babantay sa akin, kahit na kulang sa bwan si Baby. Sobrang peaceful ng pakiramdam ko at may kakaibang joy sa puso ko.

Sobra akong nag papasalamat kay Lord dahil sa provision nya, sa pag iingat nya. Tunay ngang napaka buti ni Lord sa lahat ng pag kakataon. Di ko alam kung anong mangyayari sa akin, but I know the Lord will never leave me nor forsake me. He that keeps me neither sleep nor slumber.

Mahina man ako, nag iisa man ako, alam ko ang Panginoon na pinag lilingkuran ko ay buhay, di ako pababayaan at di ako iiwan kahit kailan. Kinaya ko, di dahil malakas ang loob ko, di dahil malakas ang pangangatawan ko, kinaya ko dahil binigyan ako ng katatagan, kalakasan ng Panginoon. Kaya kung nasa sitwasyon ka na tingin mo di mo kaya, nasa sitwasyon ka na di mo alam kung saan ka pupunta, tumawag ka lang sa Panginoong Hesu Kristo, sigurado ako makakayanan mo. Dahil Sya ang Panginoong buhay. He conquered the death para mabigyan ka ng buhay.

For those who are in the situation na akala mo nag-iisa ka, kala mo wala ng solution sa iyong problema, lagi mong tatandaan na may Dyos na handa kang tulungan. All you have to do is call unto Him. And He will answer you, and show you great and mighty things which you do not know. At kung ikaw ay nag hahanap sa mga sagot sa mga katanungan, di mo alam kung saan ka tutungo, I pray that you find the answers to your questions and there is a Shepherd who leave the 99 to find the one that was lost.

God bless.

Michaela Grace
May 15, 2019
4lbs

Tatlong Araw na Byahe

Manila to Hongkong. Hongkong to Nadi. Nadi to Apia. Apia to American Samoa. Eto ang itinerary ko.

Manila to Hongkong… Sisiw. Madali lang ang flight. Parang isang oras lang yata sa pag kakatanda ko. Kaya lang nung bumaba na ako ng eroplano, eto na nag kandaligaw ligaw na ko.

Naligaw ako sa elevator. Oo. Seryoso. Sumakay ako sa elevator, ang dami kong kasama, nung bumukas ang pinto, nagulat ako kasi ako na lang pala ang nasa loob ng elevator. I was wondering kung paano sila nakalabas. Nagpaikot ikot ako, shocks, parang nadaanan ko na ito ah. Confirm. bumalik lang ako sa same floor kung saan ako sumakay ng elevator. Nung sumakay ulit ako sa elevator, napagtanto ko na double ang pinto nya, isa sa harapan at isa sa likuran. At nung nakarating na sya sa second floor, bumukas yung other side. Tangang tanga ako sa sarili ko noon. Tinawanan ko na lang hahaha. Umaga ako dumating doon, mga eight a.m. kaya lang alas singko pa ng hapon ang flight ko. Ang tagal. wala naman akong kakilala sa Hongkong para ipasyal ako kaya naghintay ako sa airport. At isa pa, dala dala ko lahat ng maleta ko. Isang maleta at malaking bag ang dala ko na sobrang bigat. Sabi pag nag check in ako, pwede ko raw makuha ang maleta ko sa final destination?? hmmm nag kamali ba ako ng dinig or talagang dapat iniwan ko yung maleta ko? Para safe, naisipan kong dalhin na lang pero sobrang sakit ng katawan ko.

Sobrang laki ng Hong Kong Airport, nag shuttle pa kami para makalipat sa next terminal for departure. Ilang beses ako nagtry magtanong sa mga local na nandon kaya lang di ko sila maintindihan. Nag observe na lang ako at nakisunod sa agos ng tao. Nag basa ng mga signs kung anong flight na papunta sa Nadi.

Hong Kong to Nadi (FIJI). Sixteen hours ang byahe. Maswerte ako kasi nasa gitna ako, at wala akong katabi. at sa harapan ko ang isang malaking TV. Dumating ako sa NADI ng seven ng umaga. Tapos ang susunod kong Flight papuntang Apia ay nine o’clock pa nang gabi. So nag tanong ako kung saan may hotel at gusto kong maligo, magpahinga, kumain muna. Pinabaunan naman ako ng one hundred dollars.

So pagdating sa Nadi, sumakay ako ng taxi at nag check in sa hotel. Nakalimutan ko na yung hotel na tinuluyan ko, pero ang masarap don ay nakakain ako ng chicken curry nila. Tapos naligo ako sa pool at natulog. Kahit papaano ay naenjoy ko ang Fiji kaya lang di ako nangahas na lumabas at mag gala. Wala akong kakilala at takot akong mawala.

Seven O’clock bumalik na ako sa Nadi International Airport. Nakilala ko naman don si Ate Lisa. Papunta rin ng American Samoa. Madali lang ang byahe namin pa puntang Apia. Siguro mga nasa dalawang oras lang. Alas dose nung nakarating kami ng Apia. Pasarado na ang Airport nila. Buti na lang sa same airport din yung susunod na flight pa puntang Pago Pago. Alas otso daw ng umaga ang unang flight. Gabi na, sarado na ang airport, may mangila-ngilan na taxi driver at mga tambay. Nagtanong ako kung ilang oras papunta sa pinakamalapit nilang hotel sabi one hour pa raw. Di na praktikal kung mag hohotel pa. So nag stay kami sa Airport, tulog nang nakaupo at paputol putol.

Na delayed pa ang flight namin noon, kaya ten o’clock na kami nakaalis. Natakot akong sumakay sa eroplano nung nakita ko. Ang liit kasi. Parang liliparin ng hangin tapos yung ibang nakasakay sobrang lalaking tao. Para silang mga higante. Kung ikukumpara ko ang eroplano at mga tao, sa Pinas sobrang laki ng eroplano, maliliit yung tao, sa Hongkong to Nadi, Medyo lumiit ang eroplano, medyo lumaki yung mga tao, sa Nadi to Apia, mas lumiit yung eroplano at mas lumaki yung mga tao, at eto ang pinakamalupit, sobrang liit na ng eroplano pero sobrang laki na ng mga tao.

Nung sumakay ako, nanginginig ako, nagulat pa ako at may puting usok na parang dry ice na pumapasok sa loob. Pag tingin sa bintana, makikita mo ang kalawakan ng dagat na kung sakaling lalagpak ang eroplano ay di ka rin makakaligtas dahil mga pating naman ang kakain sa’yo. Kahit maganda ang tanawin ay di ko makuhang mag enjoy sa view sa labas. Nakatingin lang ako sa itaas at nagdarasal na sana ay makarating ako ng ligtas.

Sa wakas nag landing na rin kami sa Pago Pago. At least di naman ako nagsuka sa loob ng eroplano. At di naman ako namatay sa nerbyos kung hindi, di ko maisusulat ang karanasan ko.

Lunes nung umalis ako sa Pinas, technically Wednesday na sa Pinas nung dumating ako ng American Samoa. Pero since late ng Isang araw ito, Tuesday pa lang sila. Ang pinakamahabang Tuesday ng buhay ko.

Sinalubong ako nila Tiya at Sherly at Ninong Percy sa airport. At ito ang kwento ng tatlong araw kong byahe papunta sa Pago Pago.

Flashback: Pag-alis ng Pinas

Mabigat ang mga paa, halo-halong emosyon. Lungkot, takot, di pa ako umaalis parang namimiss ko na agad ang mga magulang at mga kapatid ko. Di ko alam kung anong daratnan ko sa banyagang lugar na yon. Di ko maintindihan ang nararamdaman ko, kasi parang naeexcite din ako, syempre first time akong sasakay ng eroplano, makakalabas ng bansa, pero pag naiisip kong di pala bakasyon ang pupuntahan ko, nanlulumo ako. Sana… Maraming sana. Sana mas naging mabuti akong anak at kapatid. Sana mas pinagbutihan ko ang pagtatrabaho, sana di na lang ako nag resign, sana mas naging matalino ako sa pag hawak ng finances ko, sana nagpakasal muna kami ng bf ko. Sana, di na lang ako nangutang at naging maluho. Puro sana. Nasa huli talaga ang pagsisisi. Kinakailangan ko tuloy umalis para mabayaran ang aking nawaldas, mag simula ng panibago sa isang bansang di ko alam kung anong kakahantungan ko. Natatakot ako. Ayokong umalis. Pero naayos na ang lahat, papeles na halos isang taon kong hinintay, yung pamasahe na inutang pa namin. At isa pa, andon naman yung tiyahin at pinsan ko, ano ba ang dapat kong ikatakot?

Niyakap at hinalikan ko si Inay, ganon din ang kapatid ko. Niyakap ko rin si Mike (Ex-boyfriend ko, Nine years na kaming mag boyfriend nung umalis ako sa Pinas. At syempre di kami nagkatuluyan, kaya nga ex na).

“Mag-iingat ka. Tumawag ka agad pag nakarating ka na. Wag tatanga-tanga ha” Ang bilin sa akin ni Nanay habang binibigay sa akin ang hand carry ko. Kita ko na nangingilid ang luha sa kanyang mga mata. Pinipigilan ko rin ang mga luha ko. Ayokong umiyak. Kailangan kong maging matatag, pagnabayaran ko na yung mga utang ko, mag-iipon ako, kukunin ko si Mike, magpapakasal kami, at doon na sa American Samoa bubuo ng pamilya. Papagawan ko ang nanay ko ng dream house nya at tutulungan ko ang mga kapatid kong mapag-aral sila. Mga pangarap ko na nagsisilbing fuel at nagpapalakas ng determinasyon ko na tumuloy. Pagtapos kong mag-paalam sa kanila, ay pumasok na ako para mag-check in. Makalusot sana ako sa immigration.

Nakita kong nakadungaw sa salamin ang Nanay, si Anne at si Mike. Kumakaway at nag papaalam. Ngumiti lang ako at pumila na. Pag tatak ng passport ko ay agad akong pumasok sa loob. Wala nang lingon lingon. Ibinaling ko ang isip ko sa mga dahilan kung bakit ko kailangang umalis ng sagayon ay hindi ko mahirapan. Mahirap, masakit ang pamamaalam pero para naman ito sa mga pangarap namin. Tiis lang. Madali rin namang lilipas ang panahon at makakamit ko rin ang mga pangarap na yon.

Ganito pala kahirap ang mag paalam. Naisip ko ang tatay ko, sanay na siguro si Nanay na mag paalam kasi ilang taong nag pabalik balik sa abroad si Itay. Simula ata nung grade one ako hanggang mag eighteen ako, nasa abroad ang tatay ko. Pero syempre, iba ito. Buhat ng lumabas ako sa sinapupunan nang nanay ko, eto pa lang yung talagang masasabi ko na magkakalayo kami ng matagal, di ko nga alam kung kelan ako babalik. Point of No Return na ba ito? Di pa naman ako mamamatay, mag aabroad lang ako.

Ang daming papaalis nung araw na iyon. Baon ang lakas ng loob at mga pangarap, sinubukan kong makipagsapalaran sa lupang banyaga. Ang pag-alis ang nagbukas sa akin sa maraming opportunities, nagpabago ng pananaw ko sa buhay, nag patatag sa akin, nagturo sa akin ng maraming bagay. Pero sa lahat ng ito, nakita ko ang mga kamay ng Panginoon na kumikilos. May mga nangyari sa buhay ko na nakaayon sa plano ko, pero maraming nangyari na mas maganda na di ko inaasahan.

28 And we know that in all things God works for the good of those who love him, who[a] have been called according to his purpose” Romans 8:28 (NIV)

Isa lamang ang kwento ko, sa libo libong Pilipino na umaalis ng bansa para magtrabaho para mag karoon ng maayos na buhay ang kanilang pamilya. Yung iba, nagiging maganda at maayos, yung iba naman nawawasak yung pamilya nila, yung iba sinuswerte at yung iba minamalas. Iba’t ibang kwento ng pakikipagsapalaran at pakikibaka. Laban lang, kaya yan.

Isaiah 41:10 New International Version (NIV)

10 So do not fear, for I am with you;
    do not be dismayed, for I am your God.
I will strengthen you and help you;
    I will uphold you with my righteous right hand.”

Pag-pinanghihinaan ako ng loob, pag natatakot ako, nag babasa ako ng bible. Binabalikan ko ang mga Pangako ng Panginoon at ang mga salita Nya ang nag papatibay sa akin. Sabi Nya “I’ll strengthen you and help you”

Para sa mga katulad kong OFW dyan, hope this verse reminds you na kasama natin ang Panginoon. At di Nya tayo pababayaan. He’ll strengthen and help us.

Walong taon na ako sa abroad. Namimiss ko na ang Pilipinas, ang mga magulang ko, mameet man lang nila ang dalawa na nilang apo. Makabonding man lang sila at makagawa sila ng memories at magkaron ng parte sa buhay nila.

Dito na lang muna. Hanggang sa muli.

Writing A Journey Again

June 26, 2019

It’s been almost a year since I wrote something. Minsan, feeling ko ayoko na ring i-share ang mga nangyayari sa life ko. Who cares? Paki alam ba nila sa nangyayari sa buhay buhay ko. But then, If I am going to go back why am I writing? Why am I sharing my story? It gives me clarity. That I am writing to share my testimony. I am writing because I want to use my story to inspire other people who are going through something na katulad din nang pinagdadaanan ko ngayon.

fashion woman notebook pen
Photo by Negative Space on Pexels.com

I am writing because I want to share the lessons that I’ve learned from my experiences. Maybe people may judge me, say to me that I am not good enough. Some may criticize my grammar, my skills as a writer, or laugh at my English. I am not saying that these are not important, writing skills is important. But what motivated me in writing even though I don’t have a great or super talented in English, grammar or writing is what I’ve heard from Zig Ziglar . He said

“You don’t have to be great to start, you have to start to be great”

I believe as I write, my skills will improve and I’ll learn more techniques to become better. Maybe I’ll become a best selling author someday. Who knows? And even if I won’t be the number one best selling, at least I did something to what God has given to me. So I would be writing my journey again. Journey of learning something, new things, my motherhood journey, leadership journey, strengthfinder journey and my walk with God. And may be, at the end of this journey, I share enough wisdom, stories of faith, God’s goodness, testimonies,  history and a legacy for the next generation to come.

And thank you for being there with me, in this journey called life.

 

 

Don’t Give Up Praying

7Ask and it will be given to you; seek and you will find; knock and the door will be opened to you. 8For everyone who asks receives; he who seeks finds; and to him who knocks, the door will be opened.(Matthew 7:7-8)

beautiful beauty blur close up
Photo by Pixabay on Pexels.com

Marami akong hinihingi kay Lord, una is yung magbago yung relationship namin ng asawa ko kasi parang napapadalas yung away namin, at parang nawawalan na kami ng love sa isa’t isa, tapos yung spiritual growth naming mag asawa, I’m also praying for financial breakthrough, I am also praying na makaattend ako ng 100th International Assembly at payagan sana ako ni Mr. na maka attend don, kasi bukod sa malayo at may kamahalan ang pamasahe at magastos, tapos wala pang mag aalaga kay Butchok. then lastly, we’ve been praying for another baby.

It’s been two and half years, since I’ve been praying for another child. Kala ko dati isa lang, okay na sa amin, at least we have one. Pero, as Ezekiel grew up, narealized ko na maganda rin yung lumaki syang may kapatid, at least pag wala na kami sa mundo ng papa nya, di sya nag iisa. Habang lumalaki sya matututunan nyang mag share at mag mahal ng kapatid, may kalaro pa sya. Dati sa totoo lang, noong pag katapos kong manganak, ay parang nasabi ko sa sarili ko na tama na ang isa, ayaw ko na! Mahirap palang manganak, yung nine months pa lang na pag bubuntis ay sobrang hirap na, from the discomfort ng paglilihi, pabalik balik sa banyo, mahirap na paglalakad at pagtulog, at mahirap at masakit na pagli-labor at panganganak, naisip ko na ayaw ko na talaga. Pero after seeing Ezekiel, growing up na walang kapatid, mas gugustuhin ko na ring mahirapan ulit, mag sacrifice ngayon, kesa naman mag sisi ako sa bandang huli. Marami din namang benefits ang may two or three ka na anak, rather than iisa lang. Nag-iisang anak lang din kasi si Mr. May kapatid sana sya, kaya lang di nag nagkachance na maisilang ng buhay. Then nagkaron ng sakit sa ovary yung nanay nya, na kailangang operahan, kaya di na sya nagkaron ng kapatid. Kaya kung si Mr ang tatanungin ayaw nyang mag-isa lang ang anak namin.

We’ve been trying na masundan si Ezekiel since he turned two years old, kaya lang, seems like di pa will ni Lord na magkaron sya ng kapatid. We’ve been praying, minsan kaka frustrate, lalo na pag nadidelay yung period ko, then magpi P.T. ako, hoping and praying na mag positive, tapos negative pala. Minsan nga pagtwo days after kong mag PT at negative pa rin, inuulit ko yung P.T ko, thinking na baka masyadong maaga yung pagtest ko dati, but still negative.

Then I decided to go to the Doctor last January to ask bakit nahihirapan kaming makabuo ni Mr. Then my OB told me na may Poly Cystic Ovary Syndrome pala ako, and this hinder my ovulation, pati nakaka apekto sa delay ng menstrual cycle ko. Niresitahan nya ako ng Metformin para daw matunaw. For 6 months kailangan kong inumin yung medicine na yon. Kaya lang I didn’t pursue. Naka two months lang ako ng pag inom, itinigil ko na rin. During this time, nagdadalawang isip ako kung gusto ko nga ba talagang magbuntis ulit. For some  reasons ayaw ko, kasi this year 2018 is the year na pinakakaabangan ko, kasi I really wanted to attend “COGOP 100th International Assembly” parang tinatawag ako ni Lord na pumunta don, at ayokong mag travel ng buntis ako. I don’t want to take the risk.

Nakarating naman ako sa pinaka-highlight ng taon ko, at di ko pinag sisisihan na pumunta sa Tennessee to attend the event. I am so blessed to attend that event, nakita ko talaga yung hands ni Lord na sinamahan ako through out the process, from applying for visa, himalang pag payag ni Mike na makaattend ako, plus nag volunteer pa sya na sya na lang mag aalaga kay Butchok And few months after na makarating ako from Tennessee, ang bilis ng mga pag dating ng blessings sa life naming mag-asawa. Una yung asawa ko na dati, di ko mayayang magsimba, nag kukusa nang sumama sa amin sa church, yung dating parang nanlalamig naming relationship, biglang nag karon ulit ng buhay at sigla. Ngayon lesser away na kaming mag asawa.

Then another trial came ng September, may di pag kakaunawaan sa amin ng Manager ko, and this result na pinapili nya ung may ari na kung di nya ako papaalisin, he’ll resign from the job. I prayed to the Lord, gusto ko na sanang mag resign ng mga time na yon, pero I choose to stand for what is right, nung sinabi ko sa may-ari yung side ko, pinanigan naman nya ako, at dahil don nagresign yung manager namin, binigyan naman akon ng may ari ng  chance na pumalit sa kanya, di ko alam kung temporary lang or permanent na pero sa ngayon, I am the acting manager sa work, and another blessings that comes with that is yung company  car na 2017 Hyundai Tucson na pinagamit sa akin as a service na may unlimited na gas. Yung promotion na hiningi ko kay Lord before I even got hired in this company two years ago, sa nakasulat sa journal ko, after 5 years pa, pero binigay naman Nya ng maaga.

Another blessing is my sister na nag-recommend sa akin ng food suppliment na C24/7, and I praise God kasi ginamit Nya ung gamot na yon para mawala yung PCOS ko. After taking C24/7 for one month, I felt na lumakas ako, nawala yung palagi kong nararamdaman na pagsakit ng palm ko, at naging mahimbing ang tulog ko. Nag tataka nga ko kasi di naman naayos ung sa delay ng menstrual period ko, but then this time, it’s different. October 31, 2018 I took my Pregnancy test kasi delay ako, and to my surprise, it’s possitive. Kala ko nag bibiro lang ang PT na nagamit ko. I tried Clear Blue Digital Pregnancy Test, and YES! PREGNANT yung result. Magkakaron na ng kapatid si Ezekiel. Nag pacheck up na ako, now on my 10 weeks of pregnancy. Madaming discomfort, laging pagod at antok, plus morning sickness. Pero sa kabila ng nararamdaman ko, puno ng joy ang puso ko kasi I got another heritage from the Lord.

Sa dami daming blessings ko na nareceived ngayong taon kay Lord, what more could I ask for! Minsan natatakot ako, kasi kakapromote ko pa lang tapos eto buntis ako, pero naniniwala ako, blessings that come from the Lord makes one rich and He added no sorrow in it. Di ako ilalagay ni Lord sa alanganin. Sabi nga sa Romans 8:28 All things work together for good for those who love God and for those who are called according to His purpose.

God truly answers prayers, minsan mabilis na OO kasi will Nya yung pinag pipray mo, minsan WAIT, kasi di pa tayo ready para sa ganong kalaking blessings, Minsan NO kasi may mas maganda Syang ibibigay sa’yo or makakasama sa’yo ang hinihingi mo. Pero sa lahat ng prayer, Sya ay sumasagot. Matuto lang tayong humingi sa kanya at mag-usap at mag hintay ng tamang timing Nya. Sabi sa James 4:2 You do not have because you do not ask God.

6 Do not be anxious about anything, but in every situation, by prayer and petition, with thanksgiving, present your requests to God. And the peace of God, which transcends all understanding, will guard your hearts and your minds in Christ Jesus. (Philippians 4:6-7)

So wag tayong mananawa. Wag tayong mag quit. Wag tayong mag give up na humingi, tumawag, at makiusap sa ating Ama na nasa Langit. Dahil yung masamang tao nga, marunong na mag bigay ng mabuting bagay sa kanyang anak, ano pa kaya ang ating Panginoon na napakabuti, si Jesus nga na nag iisa Nyang anak, binigay Nya para sa kapatawaran ng mga kasalanan natin, ano pa kaya ang di Nya kayang ibigay para sa atin? Keep on asking, keep on seeking, keep on knocking.

 

 

Trials ng Buhay…

 

“My brethren, count it all joy when you fall into various trials, knowing that the testing of your faith produces [a]patience. But let patience have its perfect work, that you may be [b]perfect and complete, lacking nothing. If any of you lacks wisdom, let him ask of God, who gives to all liberally and without reproach, and it will be given to him. But let him ask in faith, with no doubting, for he who doubts is like a wave of the sea driven and tossed by the wind. For let not that man suppose that he will receive anything from the Lord; he is a double-minded man, unstable in all his ways.” James 1:2-8

countryside house farm fence
Photo by Gratisography on Pexels.com

 

Ganyan lang talaga ang life, daming trials, daming problema, daming challenges. Pero laban lang. Wag susuko, ang mga pag hihirap natin ay di naman forever, it’s just temporary. Sa mga trials, na huhubog yung ating mga characters. Mas nakikilala natin yung ating mga sarili, nagiging mas wais tayo, mas tumatatag tayo, at mas tumitibay ang pananampalataya natin sa Panginoon natin, dahil sa gitna ng mga pagsubok, andyan Sya, nakagabay, nakaalalay, di ka iiwan o pababayaan.

Kaya kung dumadaan ka sa various trials, sabi ni James, count it all joy. Laban lang! Push lang! Wag kang mawawalan ng pag-asa sa buhay. For all those who are going through something right now, tulad ko, I pray that the Lord God Almighty give you wisdom, courage, boldness and victory in the name of our Lord and Savior Jesus Christ. I pray for protection be upon you and keep you through out the process. Amen.

P.S. Always remember, walang wine kung walang grapes na nacrashed, walang perfume kung walang flowers na piniga, walang gold jewelries na di dumaan sa apoy, so walang testimony kung walang test.

Ang Aking Journey

August 31, 2018

Nakarating na ba ako don sa distensyon kong gustong puntahan? Ano ba ang gusto kong marating? Kaya ko bang gawin yung mga bagay na dapat kong gawin para makapunta sa destination ko? Or I am playing it safe?

Sa totoo lang nasa journey pa lang ako. Wala pa ako don sa talagang gusto kong marating. Napakalayo ko pa nga actually, and dami ko pang kailangang pag daanan at mga pag subok na kakaharapin. Dapat ba akong matakot sa mga pagsubok na yon? Dapat ba akong madismaya kung ang mga bagay bagay ay di umaayon sa kung anong gusto ko? Hindi. Sabi nga ng Panginoon, sa Isaiah 41:10

Fear not, for I am with you;Be not dismayed, for I am your God.
I will strengthen you,
Yes, I will help you,
I will uphold you with My righteous right hand.’

Iienjoy ko lang ang journey na ito, para pag dating ko sa destination ko, at magbabalik tanaw ako sa mga nakaraan, masasabi kong ang buhay ko ay nagamit ko sa mabuti at nagbigay puri sa lumikha sa akin.

Oo minsan nakakagawa ako ng mali, may mga mali akong desisyon at nag sa suffer ako sa mga consequences, minsan di ko gusto yung mga nangyayari at disappointed ako sa resulta ng ginawa kong decisions. Pero sa kabila ng mga mali, natututunan ko kung ano yung tama, sa kabila ng pagkabigo, natututunan kong bumangon muli at lumaban at mas magtiwala sa Panginoon na kahit kailan man di Nya ako iiwan at pababayaan. May magaganda syang plano para sa akin, para sa bawat isa. Sabi naman ang Panginoon dinidisiplina at itinatama ang mga mahal Nya. Tulad ng isang magulang na itinatama ang kanyang anak.

Masaya ako sa buhay na binigay sa akin ng Dyos. Masaya ako sa bawat araw na nakikita ko ang kabutihan Nya at mga pag papala Nya. At sa bawat araw na ako’y gumigising, masasabi kong this is a wonderful journey. It’s a journey of a lifetime. Minsan lang ako dadaan sa buhay na ito.

Katulad ko, ikaw ay naglalakbay din sa buhay na ito. Di ka nag iisa kaibigan. Pag pinanghihinaan ka ng loob napapagod, nananawa, naooverwhelm ng problema, isipin mong may MALAKING DYOS na di ka pababayaan. Napakamakapangyarihan ng Dyos para di ka Nya matulungan. Kailangan mo lang talang lumapit sa Kanya at magpakumbaba, di natin talaga kaya pag wala Sya. Mahina tayo, pero Sya malakas.  Limitado ang ating kaisipan at mga pang-unawa pero Sya, unlimited ang wisdom Nya. At ang good news, mahal na mahal Nya tayo, kaya nga binigay Nya yung isang bugtong Nyang anak para maligtas tayo at mag karaon ng kapatawaran ang ating mga kasalanan. Isn’t amazing, that the God who created everything, cares about us?

Kasama natin ang Dyos, that’s why it’s a wonderful journey. God bless you and don’t forget Jesus loves you.

Tips Pa’no Makabayad ng Utang (Based on Personal Experience)

Aug. 9, 2018

Bago ako umalis ng Pinas, ang dami kong utang, mostly credit card debts. Sobra ko kasing naenjoy mag swipe without balancing out my cash flow. Mas marami na pala akong nagagastos, kesa naipapasok sa bank account ko. Di talaga maganda yung kang maraming credit cards.

 

bank blur business buy
Photo by Pixabay on Pexels.com

Apat and cards ko non, HSBC, Metrobank, CitiBank At Union Bank. Palipat lipat, balance transfer don, balance transfer dito. Actually, mas mahal pa nga yung bayad sa interest kesa don sa mismong pinamili ko. Siguro yung mga nakakakilala sa akin, mag tataka, kung pano at bakit nangyari sa akin… Nakakatukso talagang mag shopping pag may card ka, kasi alam mong may kukunan ka ng pera, madali mong nabibili ang gusto mo kahit di mo naman kailangan. Believe it or not, umabot sa almost three hundred fifty thousand yung utang ko before I left Philippines. Kaya nga din ako nag decide mag ibang bansa.

Di na ko masayang magtrabaho non kasi parang yung sahod ko kulang pa pangbayad ng utang ko, aside from poor decisions at lack of financial knowledge, wala rin akong self control, kung anong maisipan, magustuhan bili agad. And from that experience, marami akong natutunan. And I want to share yung mga life lessons at yung ginawa ko kung paano ko nakabayad ng utang. Tama ang sabi sa proverbs 22:7

Proverbs 22:7
New International Version
The rich rule over the poor, and the borrower is slave to the lender.

7 TIPS on Kung Pano Makabayad ng Utang

Have the Intention to Pay

Intention ko talagang bayaran yung mga utang ko, ayaw kong darating ako sa puntong tuwing mag riring yung telepono ay kakabahan ako, mag sisinungaling or mag tatago. Good thing, di ako umabot ng ganon kasi I see to it na kahit minimum lang ay mabayaran ko. Kaya lang kung minimum lang yung babayaran mo, lalaki yun dahil sa interest, kaya mas advisable talaga, na kung magkano yung amount due babayaran mo ng buo.

Having the intention to pay ay galing sa puso. Kung intention mong di magbayad at tumakas sa utang di kagagawa ng paraan para makabayad.

Have SMART Goal

I set a goal that In three years, I’ll be debt free. Kailangan ang Goal daw natin ay S.M.A.R.T. Specific, Measurable, Attainable, Realistic and Time bound. Sinabi ko sa sarili ko na dapat with in Three years, dapat wala na akong utang. Syempre pag may goal ka, dapat may action ka. Di mo marireach yung goal mo or destination mo kung di ka kikilos. Walang gagawa nyan para sa’yo.

MY ACTION PLAN

Increase Cash Flow

The main reason kung bakit ako nag abroad is yung intention ko na makabayad ng utang. Dahil kailangan kong makabayad ng utang, humanap ako ng paraan kung paano madadagdagan ang akin income. Kasi yung sahod ko di na kasya to pay the bills kulang pa. So nung nakakita ako ng opportunity na maka abroad at kumita ng mas malaki, I grabbed the opportunity. Pero kung may way na mapag kikitaan na mas malaki sa Pinas, mas masarap pa ring tumira sa sarili mong bayan. Narealize ko na ang options mo ay dipende sa dami ng pera mo. Pag mas marami kang pera, mas marami kang option.

Money is neither good nor bad. Money is just a tool. Naka depende pa rin yun sa taong gumagamit. Kadalasan kong naririnig may na ku quote na “money is the root of all evil daw” but it’s not money actually, it’s the love of money is the root of all evil. Kung ang pera ay ginagamit natin to support life, then it’s good. Kung ang pera ay ginagamit natin to destroy life, when we value the things than we value people.

1 Timothy 6:10 New King James Version (NKJV)
10 For the love of money is a root of all kinds of evil, for which some have strayed from the faith in their greediness, and pierced themselves through with many sorrows.

Identify Needs VS Wants

Isa sa mga tips ni Chinkee Tan is to identify the needs vs wants. Kasi there are things that we can live without and there are things that we cannot live without. Yung basic needs such as clothing, shelter, food. Tulad ng pag kain, need natin ng pagkain talaga, but we have choice kung mag gugrocery tayo and we will cook our food at home, or kakain tayo sa mamahaling restaurant. Syempre pag nag babayad ng utang, wag muna ang luho. Kakahiya naman din kasi kung may guts ka pa nakumain sa mamahaling restaurant tapos makita ka ng pinag kakautangan mo na di mo pa nababayaran.

Practice Self Control

Kailangan ng self-control talaga. Kasi paglaki ng income, pag laki rin ng gastos, may mga maiisip kang bilin or mag increase ng life style, minsan nawawala na or nakakalimutan mo na about your goal. Kaya lang in my case, di ko pwedeng basta basta na lang gastusin yung pera ko, di tulad ng dati. Dito sa experience na ito, dito ko natutunan, nahasa ang self control. Ang hirap sobra but it’s worth it.

Increase your Knowledge

Palagi kong naririnig to sa mga life coach is to “Invest in education. Do you think education is expensive? Then try ignorance.” Di lang pera ang puhunan kung gusto mong matuto talaga, bukod sa pera, kailangan mo rin ng oras, effort at kagustuhang matuto. Sabi sa Hosea 4:6  “my people are destroyed from lack of knowledge.”

Dahil alam ko lang ay kumita ng pera, di ko alam kung pano ipunin at palaguin yung pera ko, at nadala ako ng kagustuhan kong mabili ang mga bagay na akala ko mag-aadd ng value sa akin, di pala. Kaya yon, natutunan ko yung lessons ko sa mahirap na paraan. Tumatak yon sa isipan ko, kaya naiishare ko ngayon. Ramdam ko yung mga taong nagigipit ngayon.

Sa loob ng tatlong taon, nakabayad na rin ako ng utang. Nakapagsimula na ulit akong makabangon. Ang sarap sa pakiramdam. Akala ko wala ng katapusan yung pag babayad ko. Bakit kaya pag andon ka sa sitwasyong mahirap, parang ang tagal lumipas ng panahon, pero pag nasa sitwasyon ka namang masaya ka, parang di mo na mamalayan, ang bilis lang lumipas ng mga oras. Don ko na pag tanto ang mga bagay bagay. Maraming relasyon ang nasira dahil sa pera, sa mga materyal na bagay, pero kung titingnan mo ang smoky mountain, lahat ng pinag-awayan, kinasira ng relasyon, andon na walang halaga, at sira sira na.

Be Consistent

Kahit gaano pa kalaki o kaliit yan, ibayad mo pa rin, at least kahit maliit ay may nababawas. Malaki ang bayad sa interest, kaya dapat kahit anong amount ay ibigay mo pa rin. At sa pagiging consistent, don mo rin napapakita sa inutangan mo na yung credibility mo na di mo tatakasan ang utang mo. Maya maya lang, mamalayan mo na lang na wala ka na palang utang.

Wag kang mag-alala makakaraos ka rin dyan. “Everything worth while is up hill” sabi ni John Maxwell. Ang pag babayad ng utang is worth while. “Do the right thing even if it’s hard”

Hope may natutunan kayo from my experience. And I pray to the Lord to bless you and give you provisions. In Jesus name.